Bahagi ng Pananalita

  1. Pangngalan (noun) – ito ay salita o lipon ng salita na tumutukoy sa pangalan ng tao, hayop, bagay, pook o pangyayari.

halimbawa: June, aso, Mongol 1, Lanao del Norte, Araw ng mga Patay

Si June ang nawawalang anak ng matatanda.

 

  1. Panghalip (pronoun) – ito ay salita na ginagamit bilang panghalili o pamalit sa mga pangngalan.

halimbawa: ako, sila,  natin, tayo

Noon lamang natin nadama ang pait ng pagdadalamhati.

 

  1. Pang-uri (adjective) – ito ay salita na ginagamit upang ilarawan ang pangngalan.

halimbawa: maganda, masarap, matalino, magulo

Mas maganda sa Pilipinas kaysa ibang bansa.

 

  1. Pandiwa (verb) – ito ay mga salita na nagpapahayag o nagsasaad ng kilos.

halimbawa: sumayaw, umibig, umiyak, tumawa

Umibig sa maling tao si Maris.

 

  1. Pang-abay (adverb) – ito ay mga salita na naglalarawan sa pandiwa o kilos.

halimbawa: masayang sumasayaw, pigil na pagtanggap, maling pagsisinungaling

Walang kiming nilisan ni Mario si Maria.

 

Sa Filipino, may mga bahagi ng pananalita na ginagamit upang magkaroon ng ugnayan ang dalawang salita o pangungusap at maging isang diwa. Ang mga ito ay tinatawag na Pang-ugnay.

 

  1. Pang-ukol (preposition) – ginagamit ang mga salitanng ito upang matukoy kung para saan o kanino ang ginawang kilos o aksyon.

halimbawa: para kay, tungkol sa, ukol sa, ayon kay

Ayon kay P-noy, pagpaplanuhan na ang mga idadagdag na guro sa mga pampublikong paaralan.

 

  1. Pangatnig (conjunction) – ginagamit upang maipakita ang ugnayan ng mga salita sa pangungusap.

halimbawa: upang, nang, at, ngunit

Nag-aaral nang mabuti ang mga bata upang makapasa sa pahabang pasulit.

 

  1. Pang-angkop – ginagamit upang mapag-ugnay ang mga salita. Ang mga ito ay maaaring: –g, ng at na. Ang –g ay ginagamit kapag ang titik ng salitang-ugat at nagtatapos sa n, ng naman kapag nagtatapos ang salitang-ugat sa patinig (o, e, i, o at u), habang na naman kapag nagtatapos ang salitang-ugat sa katinig.

halimbawa: masamang damo, patay na aso, tahanang munti

Nakita ang patay na aso sa gilid ng kalye.